Paboritong Almusal | Tagalog Trail's Tagalog Language Prompt Entry
Intro
Kape, pandesal at keso na may kasamang pritong itlog at instant noodles. Ito na marahil ang isa sa pinakamabilis sagutin na tanong sa mga blogging prompts ng @tagalogtrail. Hindi ito ang pinakamasustansiyang almusal na naiisip ko, ngunit ito ang paborito ko. Marahil din ay dahil sa nakasanayan ko nang kainin ang almusal na ito noong ako ay bata pa. Bago pa ako magumpisang mag-isip kung ano nga ba ang isang masustansiyang almusal. Bago pa man ako maging aware sa #vegetarianism o #plant-based diet, at mas lalu na sa #vegan diet.
Basketball
Parang hindi tugma sa ating topic, noh? Bakit nakasama ang basketball sa usapan? Dahil sa game 3 ng NBA (National Basketball Association) Finals habang kumakain ako ng almusal. Lamang ang Mavericks ng isang puntos matapos ang 1st half, kaya naman maganda, nakaka-aliw at exciting ang laro. Nakaka-dalawang panalo na ang Celtics sa series na ito at kung mananalo sila ay magiging 3-0 na ang score. Malamang ay Celtics na ang magiging kampeon sakali mang mapanalunan nila ang game na ito (malalaman natin pagkatapos ko magsulat ng blog post kung sino ang nanalo. 😄).
Hindi ko naiintindihan kung bakit maraming haters ang rookie na si Caitlin Clark mula sa Indiana Fever ng Women's National Basketball Association (WNBA). Bilang isang baguhan, naiintindihan natin na siya ay hindi pa buo ang laro sa professional level at nangangapa pa lamang. Nakikitaan rin natin siya ng magagandang laro pero hindi pa consistent at hindi pa sila nananalo ng maraming games. Bilang isang basketball fan, nakakalungkot na parang sinasadya siyang bigyan ng malalakas na foul ng ibang players. Sa labas ng basketball court naman ay napakaraming kritisismo sa kanya na hindi naman related sa basketball. Hindi ko na iisa-isahin ay pwede nyo naman i-search ang mga ito. Sana lang ay mabigyan siya ng proteksyon sa injury na maaaring maidulot ng hard fouls at magkaroon ng stable na mindset upang huwag pansinin ang ingay sa labas ng basketball court.
Blogging in my Native Language
Mas nauna akong magsalita ng Ingles bago ako natuto mag-Tagalog. Natuto ako magsalita habang kasama namin sa bahay ang aking tiyahin at ang kanyang asawang Amerikano. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit hindi mahirap para sa akin na mag-isip sa wikang Ingles. Sa kasalukuyang panahon ay hindi ako madalas nakakapagsalita ng Ingles sa bahay ngunit nakakapagsulat ako madalas sa Ingles dahil sa Hive. At ito ay malaking bagay sa akin; upang mapanatili ang kasanayan kahit man lang sa pagsusulat. Siguro ay kinakailangan ko rin magsalita ng Ingles madalas upang manumbalik ang husay at natural na tunog na maririnig natin sa English speaker. Hopefully...
Conclusion
85 - 70 na ang score. Lamang na ang Boston ng 15 puntos matapos ang 3rd quarter. May isang quarter pa ang natitira para ipakita ng Mavs na kaya nilang bumawi at mayroon silang puso ng kampeon. Kung hindi nila magagawa ito sa susunod na mga minuto ay matatalo sila ang magkakaroon ng napakalaking pagkadehado sa series at napakalaking balakid upang maging kampeon. Obvious na siguro na panig ako sa Mavs sa kampeonatong ito. Dahil ito sa matagal na akong tagahanga ni Kyrie.
Nagtapos ang 4th quarter sa score na 104 98 pabor sa Boston Celtics; isang panalo na lang at makakamtan na nila ang ika-18th Championship na maglalagay sa kanila bilang pinaka-maraming kampeonato sa National Basketball Association.
Bilang panghuling bagay tungkol sa NBA, isang pagpupugay at pasasalamat sa The Logo, Jerry West, na pumanaw ngayon sa edad na 86 na taong gulang. Isa siya sa mga GOAT ng NBA at idol ng maraming manlalaro at fans ng nakaraang henerasyon.
Siya, hanggang dito na lang. Maraming salamat sa pagbisita at sa pagbabasa ng aking blog. Hanggang sa muli.
*I used/edited this Canva template-1. Please check it out and support the Canva artist.
You've been curated by @plantpoweronhive! Delegations welcome!
Thanks and !PIZZA for you. 🍕🍕🍕
$PIZZA slices delivered:
juanvegetarian tipped plantpoweronhive
@juanvegetarian(2/5) tipped @ruffatotmeee
Ay perfecr combination nga po yong nabanggit mo. Minus kopi, lalo kapag may noodles, hahaha. Feeling ko lanh di sila tugma ba, hahaha. At di ako naka relate sa larong yan, lol
Pwede rin namang Milo, instead of kape. 😆
Hindi para sa lahat ang game na ito. In my case, I played a lot when I was young kaya naman naiintindihan ko ang "nuances" of the game. !PIZZA 🍕🍕🍕
Pwede palang kombinasyon ang basketball sa agahan. Galing naman mabubusog kana plus nakita mu pa ang mga idol sa basketball. Galing!
Starts with the letter B kasi pareho. Breakfast at basketball.😆
Kaya pala. Rhyme dapat ang almusal 😅
Masarap pakinggan, masarap na almusal. 😆